Ang pasko ay ginagawa kasama ang mga mahal mo sa buhay, kumpleto ang pamilya andyan si nanay tatay,kuya,ate, bunso. kahit mga alagang hayop kasali din
nung bata pako lagi kaming magkakasama ang sabi ko panga nun,nkakasawa naman to, boring kasi lagi nalang namin nakikita mga mukha namin, until narealize ko ngayon ang hirap hirap pala pag di mo kasama magpasko ang mga magulang at kapatid mo, ung kayo kayo lang, sa iisang bahay hinihintay mag noche buena. mahirap pala talaga yan ang narealize ko. nagbakasyon ako saamin para sunduuin ang dalawa kong kapatid, apat na araw lang ako dun ,pero ramdam ko ang lungkot sa bahay. niloloko ko pa nga mama ko sabi ko "ang saya saya nyo siguro dito pag wala kami" muntik nakong mapaluha ng tinitigan ko ang mukha nya, kita ko dun na may kinikimkim syang lungkot.
may purpose si god kung bakit nya ginawa ang pasko at kung bakit sa araw na yon sya pinanganak, upang pagbuklurin ang pamilya at magkaisa ,at upang kalimutan ang problema . mahal na mahal ko sila , naappreciate ko lahat ng maliliit na bagay na ginagawa nila sakin,oo marami kaming problema pero nagpapakatatag ako para narin samin. ang pasko ko ngayon na wala sila ay parang sugat na patuloy na lumalalim,oo medyo "corny" pero sa yun talaga ang naramdaman ko. lahat nga yata ng bagay para lang mapasaya sila gagawin ko.(at kakayanin ko)
pasko ko dati ..kala ko magiging ganun din kung wala ako sa bahay mostly i spend my christmas here sa manila pero bumabalik kami sa bahay before mag noche buena.,pero ngayon ang lungkot pala. lalo na pag nakikita mo magulang mo na malungkot lalong lalo na ang mama mo. tas sasabihin nya "dun pala kayo magpapasko no? i enjoy mo lang ye pasalubungan nyo nalang ako dito nang kahit ano" simpleng salita na halos tumatak sa pusot isipan ko. kaya bago ako umalis samin ginawa ko ang lahat para mapatawa ang mama ko, ang dad ko nasa work naman pero uuwi sya sa probinsya to spend christmas with my mom .
hiling ko lang ngayong pasko sana sa susunod .magsama sama kami at sana maging masaya ang buhay namin hanggang sa huli,,(gusto kong makita ang mga magulang ko na magkasamang tumatanda,magkasama sa isang bahay ,si ma nagtatahi at nasa veranda lang at si dad nasa loob ng bahay at gumagawa ng mga bagay at kasama ang mga apo nya..)
masaya na ko sa ganun....................
SIMPLENG BUHAY AY KAY GANDA MAYRONG NGITI MAYRONG SAYA.
buti na lang simple lang ang buhay namin.. :)))

No comments:
Post a Comment